Binalaan ni Senator-judge Erwin Tulfo ang testigong si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin dahil sa pag-iwas nitong sagutin ang mga tanong tungkol sa biyahe niya sa China noong 2025.
Sa pagtatanong sa Day 40 ng Impeachment trial ni vice president sara duterte, pinaalalahanan ni Tulfo si Adalin na under oath siya at hindi dapat gawing biro ang kanyang testimonya sa Impeachment court.
Nagbabala ang senator-judge na maaari siyang ma-cite in contempt kung mapatutunayang hindi siya nagsasabi ng totoo.
Pinunto ni senator-judge erwin na hindi direktang sinasagot ng testigo kung nakapunta siya sa China at hindi rin matukoy ang petsa ng sinasabing biyahe.
Binigyang-diin ng senador na kung hindi alam ng testigo ang sagot, dapat lang nitong sabihin na hindi niya alam, sa halip na umiwas sa mga tanong.