Inakusahan ng Pyongyang si United Nations (UN) Secretary-General Antonio Guterres ng pagpanig sa Seoul buhat sa panawagan nitong diyalogo sa pagitan ng dalawang Korea.
Sa isang pahayag na inilathala ng state media nitong Martes, inilarawan ng kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un na si Kim Yo Jong ang komento ni Guterres bilang “iresponsable” at “may pagkiling” matapos umanong gamitin ng U.N. official ang salaysay ng South Korea kaugnay sa insidente ng landmine explosion sa border ng dalawang Korea.
Aniya, ang mga ganitong pahayag ay hindi nakatutulong upang pahupain ang tensyon sa rehiyon.
Kamakailan lamang nang hinikayat ni Guterres ang Pyongyang at Seoul na muling ipagpatuloy ang diyalogo, kabilang ang military level, upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente.
Ginawa ni Guterres ang pahayag matapos magdala ng panibagong tensyon sa border ang landmine incident noong Setyembre.
Sinisisi kasi ng Seoul ang Pyongyang sa paglalatag ng bombang nakasugat sa ilang sundalong South Korean na nagpapatrolya sa border – bagay na itinatanggi naman ng North Korea.