Positibo ang Malacañang na magandang pagkakataon ang papalapit na 49th ASEAN Summit upang makahikayat ng mas maraming turista sa bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), hindi lamang bentahe sa turismo ang nakatakdang ASEAN Summit kundi bubuksan din nito ang pintuan ng oportunidad para sa komunidad at Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).
Batay sa datos ng PCO, tinatayang nasa 5,000 ang daragsang mga lider, kinatawan ng iba’t ibang bansa at mga mamamahayag sa tatlong araw na Sunmit.
Pagkakataon din aniya ito sabi ng PCO na maipamalas ang husay at mainit na pagtanggap sa mga darating na bisita na kilalang kaugalian ng ating mga kababayan.
Panawagan lang ng Malacañang sa mga nais magpahayag ng kanilang hinaing, baka naman maaring huwag itaon sa tatlong araw na summit at ang maipakita sana ay ang tunay na magandang ugali ng mga Pilipino.