Tiniyak ng Department of Economy Planning and Development (DEPDev) na on-track ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapalago pa ang ekonomiya ng bansa.
Iginiit ni DEPDev Secretary Arsenio Balisacan na kabilang nga sa mga ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagpapabilis sa konstruksiyon ng mga infrastructure project sa bansa upang mapabilis din ang economic activity ng Pilipinas.
Aniya, kung matatapos na kasi ang mga proyektong ito ay tiyak na tataas muli ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa na magpapataas naman sa purchasing power ng mga Pilipino.
Tiniyak din ni Balisacan, na patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapanatiling stable ang presyo ng mga bilihin kasunod na rin ng inaasahang epekto ng very strong El Niño.
Giit pa ng DEPDev, na pansamantala lang ang nararamdaman ngayong pagbagal ng ekonomiya at hindi naman ito ang permanenteng direksiyon na tinatahak ng bansa, dahil hindi lang din naman Pilipinas ang apektado ng mga pagbabago sa World Economic scene.