Muling sinimulan ngayong araw ang konstruksyon ng MRT Common Station sa EDSA, Quezon City.
Personal na ininspeksyon ni Transportation Secretary Vince Dizon ang kasalukuyang estado ng konstruksyon matapos ang matagal na delay dahil sa isyu ng pagpapalit ng contractor.
Ayon sa kalihim, ang Consortium ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na ang tatapos sa konstruksyon ng Common Station.
Target namang masimulan ang partial operations nito pagsapit ng Marso 2028, kung saan maaari nang magamit ng mga pasahero ang istasyon bilang koneksyon sa MRT-3, MRT-7, LRT-1, at EDSA Busway.
Kaugnay nito, tiniyak din ng DOTr na target nang simulan sa June 2027 ang partial operations ng MRT-7, na magbibigay-serbisyo sa rutang North Avenue hanggang Sacred Heart Station.