Pinayuhan ni House Prosecutor at Bicol Saro Representative Terry Ridon ang legal team ni Vice President Sara Duterte na magharap naman ng mahuhusay at maasahang mga testigo sa pagpapatuloy ng impeachment trial nito sa Senado.
Ito ay matapos mapansin ang umano’y kawalan ng seryosong depensa at pagiging “evasive” ng mga naunang iniharap na testigo ng depensa.
Dahil dito nagbabala ang senator-judges sa mga testigo na maaari silang ma-contempt.
Ayon kay Rep. Ridon, tila “nilalaro” ng dalawa sa tatlong testigong iniharap ng defense panel ang mga paglilitis sa pamamagitan ng kanilang asal at mga naging sagot sa mga tanong ng prosekusyon at ng senador-judges.
Sa panig naman ni House prosecutor at legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr., nakasalalay na aniya sa mga senator-judge ang pagtimbang sa kredibilidad ng mga testestigong iprinesenta ng depensa pati na rin ang mga hostile witness na konektado sa Bise Presidente.