Magsasagawa ng revisions ang pamahalaan partikular sa target na economic growth para sa 2026 at 2027.
Kasunod ito ng naitalang economic growth ng Pilipinas sa ikatlong bahagi ng 2026 na pumalo lamang sa 2.1% base na din sa naitala ng Philippine Statistics Authority.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na base na din sa Department of Economic Development (DEVdep) ay gagawin nila ang revisions kasabay ng pagsusuri sa micro-economic assumptions and targets.
Magkakaroon, ani Castro, ng pagpupulong sa unang bahagi ng Disyembre ukol dito ang Development Budget and Coordination Committee (DBCC) ng Economy and Development Council.
Sa harap nito’y binigyang-diin ni Castro na patuloy ang pagpupursige ng pamahalaan para maisulong ang mga programa at maibsan ang pagtaas ng inflation rate at hindi masyadong maka-apekto sa ekonomiya ng bansa.