Nagpa-abot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga indibidwal na walang kapagurang nagtatrabaho behind the scene para sa nalalapit na pagho-host ng Pilipinas ng 49th ASEAN Summit.
Ayon sa Pangulo, nasa pinal nang mga yugto ang ginagawang preparasyon para sa summit na aniya’y magbubukas ng pintuan para sa oportunidad na may kinalaman sa trabaho at suporta sa local businesses.
Looking forward na sila sabi ni Pangulong Marcos para i-welcome ang ating ASEAN neighbors hindi lamang para ipakita kung ano ang maaaring maialok ng bansa kundi para maipadama ang init ng hospitality ng mga Pilipino.
Panawagan ng Punong Ehekutibo, magsama-sama para maisagawa ang okasyon na maipagmamalaki ng bawat Pilipino.
Kaugnay nito ay nagsagawa na ng inspeksiyon ang Pangulo sa Philippine International Convention Center (PICC) at sa International Media Center (IMC) kasama si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano.



