Nakapagtala ng pagbaba sa poverty incidence sa karamihan ng mga lalawigan sa Davao Region noong 2025, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na prinisenta sa ginawang Regional Data Dissemination Forum ukol sa Poverty statistics sa Davao Region.
Ipinakita rin sa datos na tumaas ang monthly poverty threshold para sa pamilyang may limang miyembro, kung saan pinakamataas ang Davao Oriental na nangangailangan ng P14,674 kada buwan upang matugunan ang basic food at non-food needs.
Samantala, inihayag ng PSA na magsisilbing batayan ang mga datos na ito sa pagtukoy ng mga kinakailangang programa at interbensyon upang higit pang mapababa ang kahirapan sa rehiyon.
Nilinaw naman ni Rosendo Ayaay, Chief Economic Development Specialist of the Department of Economy, Planning and Development (DEPDev), na dagdag sa mga hamon sa pagpapababa ng kahirapan ang epekto ng mga kalamidad sa rehiyon kung saan batay sa presentasyon, hindi pa ganap ang rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng shearline at trough ng low pressure area noong 2024 dahil sa kakulangan ng pondo noong 2025 at 2026. Samantala, tinatayang umabot sa P4.54 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa Davao Occidental kasunod ng magnitude 7.8 na lindol noong June 2026.