Naghahanda na ang pwersa ng pamahalaan para sa isang send off ceremony sa Quirino Grandstand.
Ito ang mga uniformed personnel at force multipliers na sasabak sa 49th ASEAN summit.
Maliban sa mga tauhan ng pamahalaan ay kabilang din sa ceremonial send off ang mga kagamitan na gagamitin sa seguridad para sa nasabing pagpupulong.
Gaganapin ang aktibidad alas-9 ng umaga sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Maynila.
Layunin nito na ipakita ang kahandaan ng mga tauhan at kagamitan ng pamahalaan para matiyak ang seguridad at maayos na pagdaraos ng nalalapit na ASEAN Summit.
Bahagi rin ito ng paghahanda ng pulisya para sa seguridad ng mga delegado at iba pang kalahok sa nasabing pagpupulong.