Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga mangingisda, operator ng bangka, at iba pang stakeholders na sundin ang mga umiiral na regulasyon sa pangingisda,
Ito’y makaraang maaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 6 ang apat na indibidwal habang aabot sa ₱544,300 halaga ng mga kagamitan sa iligal na pangingisda ang nasabat sa dalawang magkahiwalay na operasyon
Sa ulat ni Western Visayas Police Regional Director, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño sa Kampo Crame, ikinasa ang mga naturang operasyon sa Capiz at Antique bunsod na rin ng masusing pagbabantay
Binigyang-diin ni Tuaño ang kahalagahan ng pagpoprotekta sa mga pangisdaan ng rehiyon gayundin ang pagtiyak na naaayon sa batas ang lahat ng aktibidad sa pangingisda.
Kaya payo ng Pulisya sa publiko, kumuha ng mga kinakailangang permit, at iwasan ang mga ipinagbabawal na pamamaraan ng pangingisda.
Hinihimok din ang nila publiko na ipagbigay-alam ang anumang hinala ng ilegal na pangingisda sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa mga nararapat na awtoridad sa pangingisda.