Nakahanda at all-set na ang International Media Center (IMC) upang i-cover ang mga importanteng pagtitipon, diyalogo at mga pagpupulong para sa gaganaping 49th ASEAN Summit.
Ayon kay International Media Center Project Manager Mark Joseph Friala handa na rin ang IMC na tanggapin ang libo-libong media delegates and participants na siyang gagamit ng IMC para sa kanilang mga pagbabalita at pagbibigay impormasyon patungkol sa mga kaganapan sa ASEAN Summit.
Hindi rin basta-basta ang pool of talents na inihanda ng pamahalaan dahil mga nasa top-of-the line ng kani-kanilang larangan ang creatives, production talent, at engineers na siyang nasa likod ng matagumpay na pagkakabuo ng International Media Center para sa 49th ASEAN Summit.
Isa rin itong testamento at pagpapakita sa buong mundo na ang Pilipinas ay isang dekalibreng bansa pagdating sa pagho-host ng malalaking international event tulad ng ASEAN.
Kaya naman makatitiyak na world-class service din ang ibibigay ng lahat ng nasa likod ng International Media Center ng Pilipinas.