Tinawag na “false choice” ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pananahimik sa usapin sa pagitan ng Pilipinas at China sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tugon ni Teodoro sa pahayag ni Vice President Sara Duterte, na hindi dapat nakikipag-away ang mga opisyal ng PIlipinas sa China bagkus ay dapat idaan sa negosasyon ang usapin.
Sa kaniyang pagbisita sa Cebu, sinabi ni Teodoro na hindi naman nakikipag-away ang Pilipinas, sa halip ay iginigiit lamang nito ang sariling teritoryo.
Sinagot din ni Teodoro ang paghahambing ni Duterte sa baril ng mga Pilipino at gamit ng mga aniya’y kalaban.Batid ng kalihim ang deperensya sa armas ng ma hukbo ng dalawang bansa, pero hindi ito dapat maging lisensya para manahimik dahil sa maliit na kapasidad.
Nanindigan din ang Defense Chief na walang kompromiso sa pagtatanggol sa teritoryo at resources ng susunod na henerasyon lalo’t suportado ito ng batas.