Muling dumayo ang Kadiwa ng Pangulo sa Navotas para maghatid ng murang bilihin sa publiko.
Sa abiso ng LGU, bukas ang bentahan sa Navotas Convention Center ngayong November 12, 8:30 AM para sa murang bilihin tulad ng bigas, gulay, at karne.
Dahil naman 750 slots lang ang available na ₱20/kilong bigas, mga senior citizen at PWD lamang ang maaring makabili ngayong araw. Kailangan lamang dalhin ang ID ng sektor na kinabibilangan pati na ang NavoRehistro at DA QR Code.
Kung kinatawan ang bibili, kailangang dala ang valid ID, NavoRehistro QR Code, at DA QR Code ng benepisyaryo pati na ang sarili niyang NavoRehistro QR code.