Iniuugnay ng House prosecution panel sa posibleng pag-iwas ng depensa sa karagdagang pinsala sa kanilang kaso ang desisyon nitong iatras ang testimonya ng 15 kinatawan ng mga bangko sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa kay prosecution panel adviser Ace Barbers, posibleng ayaw nang iharap ng depensa ang mga testigong maaaring makapagbigay pa ng mga pahayag na makapipinsala sa kanilang principal.
Posible aniyang nagbago ng estratehiya ang depensa matapos mabigong pasinungalingan ng mga naunang testigo ang ebidensiyang iniharap ng prosekusyon.
Punto ni Barbers, mahirap pasinungalingan ang kanilang mga ebidensiya, kabilang ang SALN, bank records, at financial statements na nagmula mismo sa kampo ng Bise Presidente.