Photo courtesy of Manila PIO
Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang ceremonial signing sa Contract to Sell sa pagitan ng pamahalaang lungsod at Land Bank of the Philippines ngayong Nobyembre 12.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ilalaan ang malilikom mula sa kasunduan sa pagpapatayo ng bagong campus building ng Universidad de Manila o UdM.
Isinagawa ang aktibidad ngayong araw sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall, kasama ang pag-abot ng tseke.
Dumalo naman sa nasabing seremonya sina Land Bank of the Philippines President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz at UdM President Dr. Ma. Felma Carlos-Tria.