Photo courtesy of COMELEC
Isinusulong ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia ang pagpapatuloy ng Special Register Anywhere Program maging sa susunod na pamunuan ng ahensya.
Sa panayam sa Luneta Park ngayong Nobyembre 12, sinabi ni Garcia na napapabilis ng programa ang pagpaparehistro dahil hindi na kailangang umuwi pa ng mga aplikante sa kanilang mga probinsya.
Humingi rin ng paumanhin si Garcia sa mga nakararanas ng abala dahil hindi naka-aircon ang lugar at kung minsan ay mainit ang panahon.
Ayon kay Garcia, kabilang ang programa sa mga pinakamaraming natanggap na pagkilala sa ibang bansa sa mga programa ng COMELEC.