Patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat dam na ngayon ay umabot na muli sa normal high level nito na 210 meters.
Sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division hanggang kaninang alas-8 ng umaga, nadagdagan pa 32cm ang antas ng tubig sa Angat na ngayon ay nasa 210.45 meters.
Huling naabot ng Angat Dam ang normal high water level nito noong January 20.
Malaki ang papel ng Angat Dam sa suplay ng tubig sa bansa dahil nagbibigay ito ng mahigit 90% ng pangangailangan sa inuming tubig ng Metro Manila.
Bukod dito, nagsusuplay din ito ng tubig para sa irigasyon ng mga palayan sa Central Luzon at nakatutulong sa paglikha ng kuryente para sa Luzon grid.
Bukod sa Angat dam, tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao, Binga dam, Pantabangan at Caliraya dam.