Binigyang-diin ni Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda ang kahalagahan ng pagiging maingat, independent, at responsable ng mga hukom sa paggawa ng desisyon dahil direktang nakaaapekto ang mga ito sa buhay ng mga mamamayan.
Ito ang mensahe ni Zalameda nang tanggapin niya ang honorary Doctor of Laws degree mula sa University of the East noong October 27, 2026, bago siya naging Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Zalameda, hindi lamang batas at mga naunang desisyon ng korte ang dapat isaalang-alang ng mga hukom, kundi maging ang epekto ng kanilang pagpapasya sa mga taong naghahanap ng hustisya.
Gayunman, nilinaw niyang kailangang manatiling tapat ang mga hukom sa Konstitusyon at umiiral na batas at hindi pairalin ang personal na pananaw sa kanilang mga desisyon.
Kinilala naman ng University of the East ang mga naging kontribusyon ni Zalameda sa pagpapahusay ng sistema ng hustisya, kabilang ang mga reporma sa criminal procedure at paggamit ng artificial intelligence sa hudikatura.
Bahagi ang paggawad ng honorary doctorate sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng unibersidad, kung saan si Zalameda ang ika-36 na tumanggap ng nasabing karangalan mula noong 1957.