Lumabas sa survey ng Social Weather Stations na 91 percent ng Filipino respondents ang naniniwala na malaki o napakalaki ng magiging pakinabang ng bansa mula sa ASEAN Summit.
Nasa 17% naman ang nagsabing kaunti lang ang pakinabang ng bansa habang 9% ang naniniwalang wala itong maidudulot na benepisyo sa Pilipinas.
Isinagawa ang survey mula September 21 hanggang 27.
Samantala, 19 percent ng respondents ang nagsabing inflation at pagtaas ng presyo ng goods and services ang mga isyu na dapat bigyang prayoridad ng Pilipinas sa ASEAN Summit.
Ilan pa sa concerns ang West Philippine Sea, oil price at oil supply, poverty, economic crisis, jobs and livelihood, war and conflict, crime and illegal drugs, food supply and hunger; at safety and security.
Lumabas din sa survey na 46 percent ng Filipino respondents ang tiwala sa regional bloc.