Mas pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang security exclusion zones sa Roxas Boulevard mula Pres. Quirino Ave. hanggang Buendia Ave. bunsod ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Ayon sa MMDA, epektibo ang pagpapalawig ng security exclusion zones 12MN ng November 15 hanggang 11:59PM ng November 18.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong motorista na sundin ang mga alternatibong ruta.
Ang mga sasakyan na papuntang Manila na galing EDSA o Cavite Area (Northbound), maaring kumanan sa Gil Puyat Ave., kaliwa sa Taft Avenue o Osmena Highway papunta ng destinasyon.
Habang ang mga sasakyan naman na galing naman sa Manila area (Southbound), maaring kumaliwa sa Padre Burgos Avenue, Finance road at Taft Avenue papunta sa destinasyon.
Maaari ring kumaliwa sa President Quirino Avenue, kanan sa Taft Avenue o Osmeña Highway papunta ng destinasyon.