Photo courtesy of Philippine National Police (PNP)
Bineberepika ng Philippine National Police (PNP) ang ulat tungkol sa umano’y 1,500 Pilipino na naipit sa scam hubs sa Myanmar.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipag-ugnayan na ang PNP sa iba pang government agencies at foreign law enforcement agencies ukol dito.
Una nang iniulat ni dating PAOCC official Winston Casio na nasa 900 hanggang 1,500 Filipino workers ang sapilitang pinagta-trabaho sa scam hubs sa Myanmar.
Labing-isang Pilipino na aniya ang direktang sumaklolo sa kaniya dahil hindi makatakas sa mga pasilidad na gwardiyado ng mga armadong Burmese militia na nakikipaglaban sa central government sa Yangon.
Pito rin aniya rito ang binugbog at binihag kapalit ng 10,000 dollars.
Hinimok ni Casio ang gobyerno na talakayin ang issue sa nalalapit na ASEAN Summit kasabay ng panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior na bumuo ng special task force para tugunan ang sitwasyon.