Photo courtesy of ASEAN 2026 PH Facebook
Kumpiyansa ang Department of Tourism sa napakalaking potensiyal ng paglago ng tourism economy ng bansa sa tulong ng gaganaping 49TH ASEAN Summit sa bansa.
Sa panayam ng programang Boses kay Tourism Secretary Dita Angara Mathay sinabi niyang inaasahan na nila ang isang “ripple effect” sa ipinakitang Filipino Hospitality ng Pilipinas.
Sa katunayan, malaki umano ang tiyansa na ang mga naging delegado sa ASEAN at maging sa ginaganap na JCI World Congress sa bansa ay magiging mga “repeat visitors” dahil sa tourism showcases ng Pilipinas.
Ayon sa kalihim, isa itong mahalagang bagay sa bansa dahil kakambal nito ang magandang numero para sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng turismo.
Kakambal nito ay marami ring matutulungang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ang inaasahang pag-angat sa tourist arrivals ng Pilipinas.