Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na isusulong ng Senado ang lubos at epektibong pagpapatupad ng Retail Competition and Open Access (RCOA) para mabigyan ang mga consumer, kabilang ang mga negosyo, ng kalayaang pumili ng supplier ng kuryente na nag-aalok ng mas murang singil.
Ayon kay Gatchalian, mahalagang magkaroon ng opsyon ang mga negosyo sa pagpili ng kanilang electricity supplier para mas makontrol ang gastusin sa enerhiya at makakuha ng mas competitive price.
Bilang halimbawa, sinabi ng senador na noong Setyembre, nasa ₱9.7032 kada kilowatt-hour ang weighted average generation charge ng isang pangunahing distribution utility.
Mas mababa rito ang weighted average price sa ilalim ng RCOA na nasa ₱5.77 kada kilowatt-hour noong ikatlong quarter, katumbas ng posibleng 40% na matitipid sa generation charge.
Pinalawak nitong June ngayong taon ang saklaw ng RCOA para maisama ang mga consumer na may average monthly peak demand na 100 kilowatts pataas.
Tinatayang 12,000 bagong end-users ang maaari nang makinabang dito, bukod pa sa 2,300 consumer na nakalipat na sa sistema.