Photo courtesy of Police Regional Office 3
Dumating na sa Metro Manila ang 2,000 police personnel mula sa Police Regional Office 3 bilang karagdagang puwersa sa seguridad para sa 49th ASEAN Summit.
Dagdag deployment ito sa gitna ng nakatakdang kilos protesta ng iba’t ibang grupo, kasabay ng ASEAN Summit sa PICC.
Ayon kay PRO3 Director PBGen Jess Mendez, naka-full alert status na ang buong Region 3 bilang paghahanda sa international event na dadaluhan ng mga lider ng iba’t ibang bansa.
Tiniyak naman ni Mendez na magpapatuloy ang anti-criminality operations sa buong rehiyon, kasabay ng pagtitiyak ng seguridad sa ASEAN Summit.