Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga vendor sa Pasay City na apektado ng security preparations para sa ASEAN Summit.
Kahapon, 994 na vendors ang tumanggap ng tig-P10,000 cash aid at family food packs.
Isinagawa ang ikatlong payout sa Cuneta Astrodome sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, layunin ng ayuda na matulungan ang mga vendor sa pansamantalang pagkawala ng kanilang kita.
Nauna nang nabigyan ng tulong ang 90 paresan eateries sa Pasay City at 1,462 vendor sa Baclaran. Tiniyak ng DSWD na patuloy na imo-monitor ang kalagayan ng mga apektadong vendor at magbibigay ng karagdagang tulong kung kakailanganin.