Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ia-adjust ang operating hours ng mga mall sa Metro Manila sa panahon ng ASEAN Summit sa bansa.
Sisimulan ito alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi mula Nobyembre 16 hanggang Disyembre 25.
Suspendido naman ang number coding sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang 18 bilang bahagi ng traffic measures para sa ASEAN Summit.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office Atty. Victor Ma. Nunez na limitado lamang mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ang delivery ng mga truck sa mga mall.
Tanging perishable goods at pagkain ang papayagang ihatid sa gabi. Mananatili naman aniya ang operasyon ng mga restaurant, supermarket, at iba pang essential services sa loob ng mga mall.