Welcome kay Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros ang pagpapalabas ng korte ng extradition arrest warrant laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy at iginiit na dapat nang umusad agad ang proseso ng kanyang pagpapapanagot.
Ayon kay Hontiveros, mahigit apat na taon nang nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Quiboloy kaugnay ng mabibigat na kasong sexual trafficking.
Sinabi ng senadora na magandang balita ang development na ito para sa mga matagal nang naghihintay ng hustisya, lalo na ang mga babaeng naglakas-loob na humarap sa mga pagdinig sa Senado na pinangunahan niya.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Women, binigyang-pugay naman ni Hontiveros ang tapang ng mga babaeng nagsalita laban kay Quiboloy at sinabing hindi sila pinabayaan ng Senado.
Binigyang-diin din ni Senadora Risa na walang sinuman ang nakahihigit sa batas at hindi dapat maging hadlang ang impluwensiya o makapangyarihang koneksyon sa pagpapanagot kay Quiboloy.