Bumisita si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City noong Nobyembre 10, 2026, upang pangunahan ang pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo at tulong sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Sa ilalim ng programang 5K (Kulay, Kalinga, Katarungan, Kalayaan at Kabuhayan), umabot sa mahigit 2,500 PDL ang nakinabang sa mga serbisyong pangkalusugan, legal assistance, art activities, at livelihood programs.
Samantala, 40 kwalipikadong PDL ang legal na pinalaya mula sa iba’t ibang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa buong bansa.
Kabilang sa mga aktibidad ang pamamahagi ng art materials, serbisyong medikal, libreng tulong legal, at pagsasanay sa urban farming at iba pang pagkakakitaan.
Nagbigay rin ng ₱1 milyon ang Philippine Reclamation Authority bilang suporta sa livelihood initiatives ng programa.