Arestado ang isang Chinese national matapos masamsam ang ₱160 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo at vape products sa Barangay Potrero, Malabon City.
Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group ang operasyon, katuwang ang Department of Trade and Industry at Malabon City Police.
Nasamsam ang 1,120 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱78 milyon at 635 kahon ng vape products na nagkakahalaga ng ₱82 milyon.
Narekober din ang dalawang truck na ginagamit umano sa pagbiyahe ng mga produkto.
Ayon kay PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr., napag-alamang walang graphic health warnings ang mga sigarilyo at hindi rehistrado ang mga vape products. Tiniyak ni Nartatez na tutugisin din ang mga nasa likod ng ilegal na kalakalan.