Tiyak na magbubukas ng bagong oportunidad para sa local businesses ang naging development na may kinalaman sa conclusion of Free Trade Agreement (FTA) negotiation sa pagitan ng Pilipinas at ng Canada.
Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney ang palitan ng nalagdaang joint statement na may kinalaman sa FTA negotiations na naganap matapos ang bilateral meeting ng dalawang lider.
Saklaw ng proposed agreement ang mga benepisyo para sa mga MSMEs, market access for goods and services at potensiyal na mga oportunidad para sa mga Pinoy entrepreneurs na mapasok ang Canadian customers at hindi lamang makapag-negosyo sa domestic market.
Ang isinusulong na malayang kasunduan sa kalakalan o FTA ay maaaring makatulong sa mga negosyanteng Pinoy na mapalawak ang kanilang merkado sa labas ng bansa.
Ito ay para mas maraming produkto at serbisyong gawa sa Pilipinas ang maibenta sa mga mamimili sa Canada, kasabay ng pagsuporta sa paglago ng mga lokal na negosyo.