Mainit na tinanggap nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa bansa ang bumibisitang lider ng Brazil na si President Luiz Inácio Lula Da Silva.
Sa state luncheon message ng Pangulo, inihayag nitong napaka-makasaysayan ang state visit ng Brazilian Leader gayung kauna-unahan ito na may bumisitang sitting President ng Brazil sa Pilipinas.
Kaalinsabay pa nito ayon sa Pangulo ang paggunita sa ika-80 pagkatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at ng Brazil.
Ayon sa Pangulo, natural partners ang Pilipinas at ang Brazil na pinagbubuklod ng nagkakaisang prinsipyo sa demokrasya, social justice at sustainable development.
Ang pagbisita aniya ng Brazilian leader ay mas nagpatibay pa hindi lamang sa long lasting friendship ng Pilipinas at Brazil kundi isang hudyat din ng isang forward looking partnership.
Personal ding ipinaabot ni Pangulong Marcos ang kanyang pagbati kay President Lula sa muling pagkakahalal nito bilang Pangulo ng Brazil.