Naka-deploy na sa iba’t ibang lugar sa Quezon City ang mga tauhan ng Quezon City Police District bilang paghahanda sa 49th ASEAN Summit at iba pang kaugnay na aktibidad.
Kabilang sa mga binabantayang lugar ang Welcome Rotonda at EDSA People Power Monument.
Nagtalaga rin ng composite teams mula sa Police Regional Office Cordillera at Bureau of Fire Protection sa Magiting Street, B. Baluyot Street at C-5 Road corner Daang Tubo.
Maagang dumating sa Camp Karingal ang karagdagang tauhan mula sa Police Regional Office Cordillera upang palakasin ang security forces ng QCPD.
Personal nang ininspeksiyon ni Acting District Director Police Brigadier General Christopher Olazo ang mga naka-deploy na pulis upang matiyak ang kanilang kahandaan at maayos na pagtatalaga.
Tiniyak ng QCPD ang pinaigting na koordinasyon ng police units upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa Quezon City sa gitna ng ASEAN-related activities.