Makakaranas ng matinding init ng panahon ang ilang lugar sa bansa ngayong araw, Nobyembre 15,2026.
Batay sa highest heat index forecast ng PAGASA, aabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa Zamboanga City at Cotabato City na maituturing na nasa danger level.
Kabilang naman sa mga lugar na inaasahang makararanas ng 42 degrees Celsius ang Coron, Puerto Princesa City at San Jose sa Occidental Mindoro, gayundin ang Dumangas sa Iloilo at Borongan at Guiuan sa Eastern Samar.
Samantala, aabot sa 41 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Muñoz sa Nueva Ecija, San Ildefonso sa Bulacan, Tacloban City at Catarman sa Northern Samar.
Nasa 40 degrees Celsius naman ang inaasahang heat index sa Iloilo City, Roxas City, Legazpi City, Davao City at Butuan City habang sa Metro Manila ay papalo sa 37 degrees celcius.
Pinayuhan ang publiko na iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, uminom ng sapat na tubig at maging maingat sa gitna ng matinding init ng panahon.