Photo courtesy of Malabon LGU
Umabot sa 14,398 senior citizen mula sa 21 barangay sa Malabon City ang nakatanggap ng social pension para sa ikatlo at ikaapat na quarter ng 2026.
Nagtapos kahapon ang pamamahagi ng pensyon na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development, katuwang ang Office for Senior Citizens Affairs ng lungsod.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 14, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng P6,000, katumbas ng P3,000 bawat quarter.
Sa huling araw ng pamamahagi, 6,978 senior citizen ang nakatanggap ng kanilang pensyon.
Inaasahang makatutulong ang benepisyo sa pambili ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga nakatatanda.
Sinabi ni Sandoval, patuloy ang pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa DSWD upang matiyak ang maayos na paghahatid ng tulong sa mga senior citizen.