Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Mas pinaigting pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabantay sa mga pampublikong sasakyan kaugnay ng 49th ASEAN Summit.
Mino-monitor ng ahensya ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila upang matiyak ang pagsunod ng mga PUV sa mga regulasyon.
Kabilang sa binabantayan ang pamamasada ng mga colorum at overloaded na sasakyan.
Pinalakas din ng LTFRB ang koordinasyon sa Philippine National Police para sa seguridad ng publiko.
Kabilang sa mahigpit na binabantayan ang mga Border Control Points sa Payatas at Batasan hanggang San Mateo.
Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga commuter at maayos na daloy ng trapiko habang nagpapatuloy ang ASEAN Summit.