Nakikita ng Pilipinas na maituturing na tagumpay ng bansa na bilang host ng 49th ASEAN Summit nasa 80 porsyento nang tapos ang draft para sa Code of Conduct on the South China Sea.
Sa isang press conference ni Department of Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa summit, mula sa dating nasa 50 porsyento noon marami nang negosasyon na natapos ang Pilipinas.
Sa apat ding milestone na kailangan mapagtagumpayan ay may isa nang natapos ang PIlipinas na negosasyon partikular ang pag-aayos ng relasyon ng Declaration of Conduct at Code of Conduct.
Kasama rin sa 80% percent draft na natapos ng PIlipinas na magkakaroon ng practical maritime cooperative sa South China Sea ang ASEAN members.
Paliwanag pa ni Secretary Lazaro, kung nagkaroon lang sana aniya ang Pilipinas ng dagdag na lima hanggang anim na buwan ay kaya nilang tapusin ng 100% ang draft.
Tiniyak naman ng DFA na ngayong ililipat na ang draft sa kamay ng Singapore upang magtuloy ng negosasyon bilang susunod na ASEAN chair, nasa “final talks” na ito at posibleng matapos na sa susunod na taon.