Ililipat na ng Pilipinas sa Singapore ang pagbuo ng draft para sa Code of Conduct sa South China Sea.
Ito ang draft na ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ay binubuo ng ASEAN leaders kasama ang China para resolbahin ang mga isyu sa South China Sea.
Giit naman ni Secretary Lazaro, malaki na ang mga naidagdag sa COC habang nasa kamay ito ng Pilipinas. Isa na dito ang pagtukoy sa relasyon ng Code of Conduct at Declaration of Conduct pati na rin ang pagkakaroon ng boluntaryong cooperative activity sa South China Sea na naaayon pa rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Sa paglipat naman ng Code of Conduct Singapore mula Pilipinas giit ni Lazaro nasa final talks na ito at malaki ang tsansa na matapos na ito sa susunod na taon.