Nagbabala si House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na maaaring maharap sa panibagong usapin ang ebidensya ng depensa.
Ito ay kaugnay sa pagtanggap ni VP Sara Duterte ng P2.14 milyong ibinayad sa kanya ng GenCorp Industries Inc.
Iginiit ni Ridon na hindi sapat ang naging testimonya ni GenCorp Corporate Counsel Suzette Balucanag-Punay noong Nobyembre 11 upang ipaliwanag kung bakit nagpatuloy ang pagbibigay ng tseke sa ng GenCorp sa Bise Presidente mula 2022 hanggang 2025.
Bagama’t ikinatwiran ni Punay na return of capital ito mula sa naunang puhunan ni Duterte sa isang sangay ng Jollibee sa Davao City, wala namang naipakitang kasulatan na magpapatunay sa halaga ng orihinal na investment at sa mga kondisyon ng pagbabayad.
Dahil dito, kinuwestiyon mismo ng mga senator-judge kung bakit naglalabas ng pondo ang GenCorp gayong hindi naman shareholder ng kumpanya ang pangalawang pangulo.
Ipinaliwanag ni Ridon na sa ilalim ng panuntunan sa ebidensya, ang mga pribadong dokumento ay kailangang patunayan ng isang kuwalipikadong testigo bago tanggapin ng korte—maliban na lamang kung ito ay pampublikong rekord o napagkasunduan ng magkabilang panig.
Giit ni Ridon, nakasalalay na sa mga senator-judges ang magpapasya kung kapani-paniwala ang paliwanag ng depensa.