Naka-standby na ang mga Response Clusters ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng 49th ASEAN Leaders Summit and Related Summits na ginaganap sa bansa.
Ayon sa NDRRMC, isinasaalang-alang dito ang laki at kahalagahan ng aktibidad gayundin ang pagdalo rito ng mga matataas na opisyal at delegado mula sa iba’t-ibang bansa.
Sa ilalim ng memorandum, epektibo ang standby status hanggang alas-8 ng umaga sa November 20, 2026.
Pinangungunhaan ng ASEAN 2026 Joint Task Group for Emergency Preparedness and Response ang pagtugon sa anumang emergency o insidente kaugnay ng summit.
Ang NDRRMC Response Clusters ang magbibigay ng karagdagang tauhan, kagamitan at specialized response support kung kinakailangan, sa direktiba ng NDRRMC Vice-Chairperson for Response and Early Recovery.