Gumawa ng panibagong kasaysayan ang P-Pop groups na BINI at SB19 matapos makakuha ng nominasyon sa 69th Annual Grammy Awards, na inanunsiyo noong November 16, 2026.
Kapwa nominado ang dalawang grupo sa bagong kategoryang Best Asian Pop Music Performance. Nakatanggap ng nominasyon ang SB19 para sa kantang “VISA,” habang kinilala naman ang BINI sa awiting “Unang Kilig.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may mga P-pop group na nakakuha ng nominasyon sa Grammy Awards, na panibagong milestone para sa musikang Pilipino sa international music scene.
Ikinatuwa rin ng Department of Tourism ang tagumpay ng dalawang grupo, na kapwa kinikilalang Tourism Ambassadors ng bansa. Ayon sa ahensya, patuloy na naipakikilala ng BINI at SB19 ang talento at musika ng mga Pilipino sa buong mundo.
Matatandaang una nang nagtanghal ang dalawang grupo sa Coachella at Lollapalooza.
Gaganapin ang 69th Annual Grammy Awards sa February 7, 2027, sa Los Angeles, California.
Maglalaban ang BINI at SB19, at apat pang ibang nominado para sa kauna-unahang Best Asian Pop Music Performance award.