Photo courtesy of First Lady Liza Araneta-Marcos
Nagpahayag ng suporta si First Lady Liza-Araneta Marcos sa pagpasa sa mga panukalang batas layong palakasin ang proteksyon ng mga kabataan sa social media at iba pang digital platforms.
Sa kanyang mensahe sa pagtitipong Fostering the Future Together, sinabi ni FL Liza na pataas nang pataas ang tsansa na madaling mabiktima ang mga kabataan sa paggamit ng social media.
Aniya, mataas ang potensyal ng mga bata na maging biktima ng cyberbullying, online exploitation, mapanganib na content at online predators.
Kaya naman sinabi ni First Lady na sana’y maisabatas na ang mga panukalang: Safe Kids Act at Smart Kids Act.
Gayunpaman, sinabi ni FL Marcos na hindi sapat ang mga panukalang batas na ito, dahil malaking bahagi pa rin dito ang paggabay ng mga magulang, guro, pamahalaan at komunidad sa pagprotekta sa mga kabataan.