Bumisita sa Intramuros sa Maynila ang mga media delegate na nagko-cover sa 49th ASEAN Summit and Related Summits bilang bahagi ng kanilang Media Familiarization Tour.
Unang nagtungo ang mga delegado sa Fort Santiago kung saan nilibot nila ang ilan sa mga kilalang atraksyon sa makasaysayang lugar.
Sakay ng tranvia, binisita rin ng mga delegado ang San Agustin Church, Baluarte de San Diego, ASEAN Garden, at Centro de Turismo Intramuros.
Sa Centro de Turismo Intramuros, sinalubong sila ng isang cultural performance na nagpapakita ng mayamang kultura, kasaysayan at tradisyon ng mga Pilipino.
Layunin ng aktibidad na maipakilala sa mga international media delegate ang makasaysayang mga pasyalan at kulturang Pilipino habang nasa bansa sila para sa ASEAN Summit.
Ang 49th ASEAN Summit and Related Summits ay ginaganap mula November 15-17, 2026.



