Ikinagalak ni Philippine Ambassador to India H.E. Josel F. Ignacio ang matagumpay na pagdaraos ng 23rd ASEAN-India Summit sa bansa, kasabay ng pagsusuri sa lumalawak na saklaw ng ASEAN-India Comprehensive Strategic Partnership.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, ibinahagi ni Amb. Ignacio na nagsimula ang ugnayan ng ASEAN at India noong 1992 bago pormal na inilunsad ang ASEAN-India Summit noong 2002, at patuloy itong umaangat sa mas mataas na antas.
Binigyang-diin ni Amb. Ignacio na maraming mahahalagang sektor ang nakapaloob sa nasabing strategic partnership—kabilang ang forensic training, critical minerals, edukasyon, ugnayan ng mga kabataan, at creative partnership gaya ng audio-visual entertainment summit—na sumasaklaw sa larangang politikal, pang-ekonomiya, at kultural.