Nakiisa ang Department of Finance (DOF) sa U.S.-ASEAN Connect Series Executive Luncheon upang palakasin ang kooperasyon sa digital economy, makabagong teknolohiya at pamumuhunan sa rehiyon.
Dumalo si Finance Secretary Frederick Go kasama ang mga opisyal ng pamahalaan at lider ng negosyo sa naturang aktibidad na ginanap kasabay ng ASEAN Business and Investment Summit 2026.
Kabilang sa mga tinalakay ang pag-akit ng mas maraming investment, pagpapalawak ng digital transformation at paggamit ng emerging technologies upang makalikha ng karagdagang oportunidad para sa mga Pilipino.
Lumahok din si DOF Undersecretary Ma. Angela Ignacio sa hiwalay na talakayan tungkol sa technology investments at pagpapalakas ng kooperasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa digital economy.
📸 DOF
