Bumisita at nagdasal si Indian Prime Minister Narendra Modi sa makasaysayang Khalsa Diwan Gurudwara sa Maynila, kasabay ng kanyang pagdalo sa ASEAN Summit sa Pilipinas.
Nanguna rin si Modi sa seremonya ng paglalagay ng pundasyong bato para sa muling pagsasaayos ng naturang templo.
Kasama sa seremonya sina Senador Francis Joseph Escudero at Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso.
Sa kanyang social media post, nagpahayag ng pasasalamat si Modi sa pagkakataong makabisita sa naturang lugar ng pagsamba ng mga Sikh.
Itinatag noong 1901 ang Khalsa Diwan Gurudwara at pormal na naorganisa noong 1903 bago nairehistro noong 1924.
Kinikilala ito bilang pinakamatandang Sikh temple sa Pilipinas at nagsisilbing mahalagang sentro ng pananampalataya, kultura at pagtulong sa komunidad ng mga Sikh sa Maynila.
Mahalaga rin ang papel nito sa pagpapatibay ng ugnayan ng komunidad ng mga Indian-Sikh at mga Pilipino.
📸 Prime Minister Narendra Modi & Former PCO Acting Sec. Cesar Chavez



