Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang intelligence capabilities nito gayundin ang mahigpit na ugnayan sa mga lokal at foreign counterpart nito sa pagpapatupad ng batas.
Ito’y makaraang mapigilan ang tangkang pamamaril sa isang Paaralan sa Batac City sa Ilocos Norte kamakailan na bunga na rin ng pinaigting na operasyon sa pangangalap ng impormasyon laban sa nihilistic activities at iba pang banta.
Magugunitang nadiskubre ng mga awtoridad ang planong pamamaril matapos makatanggap ng impormasyon mula sa United States Federal Bureau of Investigation (FBI) na nakamonitor sa pribadong online conversation ng ilang nasa likod ng tangkang pag-atake.
Titinuring na imminent threat ng mga awtoridad ang naturang pag-uusap matapos talakayain umano ng mga menor de edad ang pagsasagawa ng sunud-sunod na pamamaril upang makaganti sa nang-bully sa kanila.
Sanib-puwersa ang National Bureau of Investigation (NBI), Batac City Police Office, Lokal na Pamahalaan at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa ikinasang operasyon nitong Nobyembre a-15 at 1-16. Nagresulta ito sa pagkakasagip sa mga menor de edad na sangkot, kabilang na ang 16 anyos na lalaki na siyang itinuturing na paksa ng plano.