Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga employer na tuparin ang kanilang obligasyon at tingnan ang kapakanan ng kanilang mga kawani
Ito’y kasunod ng ikinasang Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign ng SSS dito sa Marikina City kung saan, 10 employers ang sinilbihan ng Notice of Violation
Inaasahang makakokolekta sa mga ito ang SSS ng nasa 2.7 million pesos buhat sa 1.9M na unpaid contributions at nasa 744 libong pisong penalty mula sa 58 apektadong empleyado
Kabilang sa 10 delinquent employer ay mula sa food and bevarage establishment gayundin sa Automotive Fuel Center, Motor Vehicle Parts Center, Fitness Center
Gayundin ng Beaury Salon, Restaurant, Transportation, Service at Specialized Construction Service
Bukod sa Marikina, sabay sabay ding isinagawa ang RACE Campaign sa mahigit 40 branch ng SSS sa buong Metro Manila
Ayon kay Benjamin Dolindo Jr, Senior Vice President ng SSS for NCR Operations Group, bukod sa habulin ang mga delinquenteng employer, layunin din ng RACE Campaign na palawakin ang kamalayan sa tamang kontribusyon para sa empleyado. | ulat ni Jaymark Dagala