Ipinagmamalaki ng PhilHealth Region XI ang matagumpay na kampanya nito sa taong 2024 sa pagbibigay ng kalidad ng serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan ng mga miyembro at maging ang koleksyon.
Sa isinagawang year-end media forum, inihayag ni Dr. Jose Cleo Bañes, CSIO, FOD – membership section, na naaabot ng ahensya ang 95.66 porsyentong registration rate o 5,099,340 sa taong 2024 mula sa target na 5,330,937.
Habang naabot naman nito ang 87 porsyentong collection performance o P4.94-B mula sa target na P5.67-B para sa taong ito.
Sa kabuuan, siniguro ng PhilHealth na mananatili ang kanilang dedikasyon upang maabot ang mas innovative at accessible healthcare para sa mga miyembro nito. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao