Ambag ng Filipino workers sa Emirati Society, pinapurihan ng UAE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni United Arab Emirates (UAE) Vice President at Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum ang Filipino Community para sa kanilang kontribusyon sa kanilang bansa.

Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa UAE, inilarawan ng Dubai Ruler ang mga Pilipino na nagtataglay ng civil at gentle quality.
 
Malugod namang tinanggap ni Pangulong Marcos ang pagkilalang ito, maging ang hospitality ng UAE sa OFWs ay ipinagpasalamat ng Pangulo.

“During my meeting with UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, I expressed the appreciation of the Philippines for UAE Government’s care and respect for the Filipino community in the UAE.” -Pangulong Marcos

Sa naging pulong kaugnay sa katatagan sa rehiyon, siniguro ng Pangulo sa UAE ang commitment ng Pilipinas sa pagtugon sa maritime issue sa rehiyon alinsunod sa rule of law at international agreements tulad ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). 

Binigyang diin rin ng Pangulo ang mga effort ng Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan at economic stability, na ayon sa UAE, ay ang nagsisilbing pundadsyon ng pagpapalakas pa ng traded at investment ties sa pagitan ng dalawang nasyon. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us